Lahat ng tao ay may iba’t ibang uri ng mga takot at pangamba. Ay iba ay takot sa dilim, takot sa matataas na lugar, o takot sa aswang. Pagdating sa pakikipagkalakalan sa mga binary option, mayroon ding iba’t ibang uri ng takot na nagiging dahilan para hind ka magtagumpay.
Ang uri ng pangamba o takot ay maaaring makaapekto sa mga estratehiya para sa binary options na iyong ginagamit o gagamitin kung hindi mo ito mapagtatagumpayan. Minsan ay mahalaga rin ang pagkakaroon ng takot bilang babala sa ating mga sarili ngunit kung ang takot na mayroon ka ay hindi magpapaunlad sa iyo, kailan mong pag-isipan at gawan ito ng paraan.
Narito ang ilang mga takot o pangamba na humahadlang sa iyong pakikipagkalakalan sa binary options:
Takot Maghintay
Sa dami ng mga teknolohiya na mayroon tayo ngayon, isang hindi magandang dulot ng mga ito ay ang kawalan natin ng pasensya. Ayaw nating naghihintay, lalo na’t naghihintay ng matagal. Naiinis tayo kung walang mabilis na sagot sa ating text o chat, kung mabagal ang Internet, kung walang sasakyan, o kung mahaba ang trapik.
Sa pakikipagkalakalan, may mga pagkakataong kailangang mong maghintay para sa maayos na pagkakataon. Ang pagkakataong ito ay maaaring kailangan mong hintayin hindi lang ng ilang oras, minsan ay kahit ilang araw o linggo.
Ang mga pinakamahuhusay na broker ng mga binary option ay alam ang kahalagahan ng tamang panahon kaya’t nirerekomenda nilang magkaroon ng mahabang pasensya sa iyong pagsali sa binary options.
Kung may takot kang maghintay, maaaring ikasira mo ito dahil gagawa ka ng desisyon o hakbang para lang makuha ang resultang gusto mo ng mabilis. Ang posibleng resulta nito ay pakikipagsapalaran ng walang sistema at sa bandang dulo ay ang iyong pagkalugi o pagkabigo.
Takot Kumilos
Ang ganitong uri ng takot ay madalas nararanasan ng mga baguhan sa pakikipagkalakalan. Ayaw nilang matalo kaya sa umpisa pa lamang ay takot na silang gumawa ng una nilang hakbang. Karamihan ay kahit subukan ang isang demo account ay hindi nila magawa sa sobrang takot!
Tandaan na sa mundo ng pakikipagkalakalan, ang panganib na matalo at ang kawalang kasiguraduhan ay laging bahagi rito. Kung ang taong takot maghintay ay agarang kikilos dahil wala siyang tiyaga, ang taong takot namang kumilos ay ayaw gumawa ng kahit ano dahil ayaw niyang matalo.
Ang resulta nito ay kawalan ng karanasan at hindi paggamit ng mga estratehiya para sa binary options.
Takot sa Numero
Isa pang takot na hindi makakatulong sa iyo ay ang takot sa numero o sa pagkalkula. Bilang mga mangangalakal sa binary options, marami tayong kinukwenta – ang halaga ng puhunan, magkano ang dapat ideposito, pati ang pangangasiwa sa ating sariling mga pera at sa mga peligrong maaaring makaharap.
Lahat ng mga kasali sa binary options sa buong mundo, anu-ano man ang ating mga wika, ay nagkakaintindihan pagdating sa numero. Ang mga broker ng mga binary option sa wikang Ingles ay maaaring makatulong sa kahit sinong kalahok sa binary option sa buong mundo kung ang pag-uusapan nila ay may kaugnayan sa numero, mga porsyento, at iba pang pagkukuwenta.
Takot Mag-aaral
Ang pinakamahuhusay na mga mangangalakal ay yaong natuto ng mabuti sa industriyang ito. Kung ikaw ay takot mag-aaral, baka tamad ka lang maglaan ng oras at lakas. Ang ganitong ugali ay hindi makakatulong sa iyong pag-unlad.
Sa makabagong mga teknolohiya at sa pag-usbong ng koneksyon sa maraming panig ng ating bansa, napakadali na lang matuto. Kahit saan at kahit ano ang iyong ginagawa ay maaari kang matuto ng paunti-unit hangga’t maging bihasa ka at ikaw naman ang magbabahagi ng iyong mga natutunan sa iba.
Tandaang ang kakulangan ng sapat na edukasyon sa binary options ay parang pagsusugal na ang siguradong resulta ay pagkalugi.
Takot Magbago
Sa lahat ng mga uri ng takot, ito marahil ang pinakamahirap maranasan. Kung ikaw ay takot magbago, lahat ng iba pang uri ng takot sa pakikipagkalakaran ay mananatili sa iyo.
Tandaang ang pagbabago lang ang hindi nagbabago sa mundo. Lahat ay maaaring magbago para sa mas ikabubuti at para sa kaunlaran. Sa merkado, lahat ng aspeto ay laging gumagalaw. Kailangan mong makisabay sa daloy ng buhay at i-akma ang iyong sarili sa pagbabago.
Maraming mga estratehiya para sa binary options ang kailangan mong pagtuunan ng pansin. Baka kailangan mong magpalit ng broker, subukan ang ibang uri ng kalakalan, magbago ng halagang inilalaan, o magpalit ng plataporma.
Kung hindi maganda ang nagiging takbo ng iyong pakikipagkalakaran sa binary options at ayaw mong baguhin kahit isang aspeto nito o ang iyong sarili, maaaring mas lalong lumala ang sitwasyon mo.
Alin sa mga takot na ito ang nagiging hadlang sa tagumpay mo?
Mga Cryptocurrency option - Mga Patunay at Pagsiyasat
Magdagdag ng bagong komento!Papano ba mag diposito ? Olymptrade.
naka register na po ako sa Olymptrade, saan ba ako mag open ng account ? kailangan ba mag-
punta muna ako ng BDO o kaya ng BPI para makapag open ako ng account at magdeposito. di
ko po maintindihan, at kung manalo ako example ng 90% saan ipapasok ang pera ko na nadagdagan
ng 90% ?
Pagtulong sa magulang http://wwv.smartinvestorguides.com/c/4487d2e0b7a16
Gusto ko pong makatulong sa aking mga magulang.
Inquiry! Olymp Trade
Hi Sir,
I'm interested! Anong trading website po ang gamit niyo?
sir, felix Navarro magkano po ang capital at paano sumali ng ganitong larangan ng negosyo?
kailangan ko pong magtrabaho dito. kompanya
Kailangan ko pong magtrabaho dito upang matugunan at mabibigyan ng tulong at mapagkakaunawaan ang aking kahirapan.
Best time to trade in philipphines iq option broker IQ option
Magndang hapon po nais ko pa pong mlaman ang mga iba png simpleng istratihiya na madadagdag ko sa nauna nyung stratehiya na naibgay saakin ito poy aking cnubukan at 8 out of ten sa aking pagsubok akoy nanalo sa demo account. Gusto ko pa po snang malman kung anu2 nman po ang stratehiya nyu sa pag gamit ng money management. Maraming salamat po . Sanay makareply po kau sa aking mensahe.
how to deposit??? Olymptrade
sir, tulongan nyo po ako paano po magdeposit, kasi ayokong masayang yong kaunting pera ko nahirapan po akong kumita ng pera
How
How to get results/experience like yours?
How to get results/experience like yours?
Willing ako magwork ng libre sayo. Gusto ko lang turuan mo ko lahat ng nalalaman mo about business. Maraming Salamat :)
How to deposit IQ options
Paano po ba mag deposito gamit ang debit card? kada mag deposit ako, nag sasabi lang ng "The payment is declined by the bank for security reasons. Please, use another payment method or contact your bank." kailangan ko pa bang puntahan sa banko para ma approve mga transactions ko?
Magdagdag ng bagong komento!